Wednesday, February 21, 2007

Adventures Underground Post

Kaninang umaga dapat may meeting ang ee290q group namin ng 9:30am sa IML para gumawa ng project. Nagising naman ako ng maaga. 7am. Pero dahil nagpa-piano ako habang nagcocoffee, ehhh tumagal na naman ang 'breakfast' ko for more than an hour. Tapos mga 8:15am nagcheck ako ng mail tapos nakinig ng music tapos pagtingin ko sa relo 8:50am na. So nagmamadali akong naligo at nakaalis sa bahay ng mga 9:20 tapos dumating ako sa eee ng around 10am. Buti na lang si jayrald na groupmate ko late din (nauna pa ako sa kanya) tapos si arnold di raw makakarating. So pagdating sa IML... ayun, nagtry gumawa ng project tapos 11:30 umalis din para magsimba sa UP chapel ng 12 noon kasama sina argel at jeric.

Halfway through the mass humiwalay si agent sa amin, hmm... bakit kaya? ;) Hehehe So after ng mass, nagsama-sama na ulit kami at kumain ng lunch sa SC. Syempre cool kami, kaya ang tagal namin dun sa kainan. Kwentuhan din kasi. Sa kwentuhan napag-alaman namin na may lakad si agent somewhere sa afternoon. So nagbalak kami ni argel na sundan siya at ang kasama niya. Hehehe Tapos umalis na kami sa kainan, nag-ice cream, nakita sina orson at nina, at ang tagal namin bago nakasakay ng ikot jeep. Paano ba naman kasi yung dalawa (agent at argel) eh sumayaw pa sa shed. Anyway, nagtext si Kuya Yugs sabi niya nalimutan ko na raw ang groupmate kong si jayrald. Haha pero pabalik na kami sa EEE nun, nasa ikot jeep na kami.

Tapos sa IML gawa ulit project. Mga 2:30pm na yun. Tapos 4pm umalis na si jayrald. At umalis na rin ako, pumuntang engg kasi may ipapaphotocopy pa ako for an assignment. Pagkatapos kong magpaphotocopy, uuwi na sana ako, kaya lang narealize kong naiwan ko yung flash disk ko sa isang pc sa IML. At dahil cool ako, bumalik pa ako sa IML dahil lang dun. Naglakad nga lang ako from engg to eee eh. So ayun, kinuha ang flash disk, nagpahinga konti, at umuwi na.

Eh nasa katips jeep ako may natanggap akong text message from argel. Sabi niya pupunta siya sa isang mall na malapit sa amin para sundan sina agent. Hahaha Sabi ko magkita na lang kami dun kasi may dadaanan pa ako somewhere. Anyway, nagkita nga kami. At syempre, di namin nakita sina agent at ang kanyang kasama kasi malamang nasa sinehan na sila, so nanood na lang din kami. Music & Lyrics. :D Ganda ng movie na 'to. At hindi namin alam ni argel kung bakit may parts ng movie na kami lang yung tumatawa. Eh nakakatawa naman talaga. Haha basta magandang movie. :D At LSS ko na ang Way Back into Love. :x I must have its OST.

So after ng movie dahil cool kami, syempre kumain din kami. KFC sana pero bawal ang meat today di ba? So nagpunta kami sa Jollibee tapos may nakita kaming sizzling bangus ba yun? Basta yun. So yun sana oorderin ni argel tapos sa akin large fries. Eh wala na pala yung bangus. Late na rin kasi so ubos na yata. So Fries na lang din inorder ni argel. Tapos pala, may mamang papaalis ng counter with a tray full of food. Syempre may drinks yun. Eh for some reason natapon yung drink. Tapos ang sama ng tingin kay argel. So baka natabig ni argel yung drink. Eh hindi naman daw niya naramdaman na natabig niya. Basta ganun. Nakatatakot. Para kasing manununtok yung itsura nung lalaki. Pero dahil cool kami at naalala pa rin namin yung mga funny moments dun sa movie, kaya tawa pa rin kami nang tawa. Pero syempre not right after tumingin ng masama yung lalaki.

Pagkatapos ng dinner na fries lang, at dahil nagsasara na rin yung Jollibee, ayun, uwi na. :D Di man namin nakita si agent at ang kanyang kasama at ang kanilang kilig moments, nag-enjoy din kami. ;)

No comments: