Friday, February 09, 2007

Do Not Deeesturb

Hindi ko alam kung ano yung mas weird sa EEE night. Kung yung boy band ba or yung filipino version ni Phoebe Buffay. Nagulat talaga ako dun sa boy band. Boys (or Boyz or Voice) Avenue ang pangalan ng group. Grabe may dance steps pa and all that 'pretty boy' image... Di ko kinaya. I was laughing. Hard. And it wasn't just me ha. Haha Pero in fairness maayos pagkanta nila. May blending of voices pa. :D

The other weird performance was by Jeff something (I forgot his surname). Sabi nga nina Danes and Pau, para siyang si Phoebe ng friends. Kulang na lang kumanta siya ng smelly cat dun. Pero magaling siya talaga maggitara. Yun nga lang, weird pa rin yung pagkanta niya. :D

Masaya yung EEE night. Masarap yung food, at kakaiba ang ambiance. Sayang nga lang di ako nanalo ng pillow.

No comments: