Wednesday, April 04, 2007

Sem

Dapat yata marami akong makwento dito sa blog. Pero weird. Wala akong maisulat lately eh. Yung past sem na siguro yung pinakamahaba at pinakabusy (both sa academics and sa other stuff) na sem na naranasan ko. Matrabaho yung Berkeley class, tapos yung ES201 every week may problem set. Tsk tsk tsk. Nakapapagod.

Buti na lang, meron akong mga friends to keep me sane. Kahit simpleng chat lang sa YM (mamimiss ko yung 'ate elma! ate elma! ate elma!'), picture taking sa lab, tambay sa pisbolan or footlongan, lunch out or dinner out... nakatatanggal ng pagod. Tapos masaya rin yung bowling at yung biking. Sana nga matuloy yung skating eh. Saka yung EK. Pati na rin yung tennis. :D

Tapos, itong sem na yung may pinakamarami akong napanood na movies sa moviehouse (nangyari na nga dati na wala akong napanood kahit isang movie in a sem... tsk tsk). Seven yata ang napanood ko, kung tama ang pagkakabilang ko. Dalawa dun kasama si kuya, dalawa kasama si argel, dalawa kasama si danes, tapos yung isa, kasama ko yung friend kong lalaki na magpapatattoo sana ng mukha sa dibdib.

Kakaiba talaga yung sem na ito. Nawala ang phone ko. Meron pang paturu-turo sa mga bituin. Nakatanggap ng mansanas at drawing. Tapos may ka-text pang tumatakbo. Nakapasok sa boy's cr. Nakapagmaneho ng scooter/bike ni kuya yugs. Nakapunta sa Intel at nakita ang mga mukha namin sa poster... etc etc etc.

Ayun o (ayun o! nagaya na naman) nagkwento rin kahit papaano. :D

No comments: