Thursday, November 30, 2006

Mainam para sa 4-6 Katao*

Gagamitin ko muna pansamantala ang ating sariling wika (at ilang hiram na salita) sa pagkukwento ngayon.

Maraming nangyari sa araw na ito ngunit iiklian ko lang ang kwento.

Kumanta ang Enggchoir sa Engineering Convocation kanina sa Engg theater. Naging maayos naman yata ang aming pag-awit dahil pinalakpakan na naman ang aming doxology at national anthem (na hindi naman dapat pinapalakpakan).
Pagkatapos ng pag-awit (mga 2pm na yun) ay may meeting naman ako sa ASTI kasama ang aking mga guro para sa VHDL at FPGA training para sa susunod na linggo. Naging maayos naman ang pagpupulong.

Pagkatapos ay tumungo naman ako sa ckt lounge (mga 4pm) upang magpractice para sa awitan hanggang 7:30. Pagkatapos ng practice ay kumain kami - ako, fed, danes, eric, at riley - sa Kenny Rogers Katipunan. Naging masaya ang hapunan. Punung-puno ng katatawanan, dahil na rin kay fed, kay danes, kay riley, at kay eric (ok masaya kaming lahat), at sa crew ng Kenny Rogers at sa comment form (smile Louie!).

Marami pang nangyaring kakatuwa ngunit ako'y inaantok na kaya matutulog na ako. Magandang gabi!

*Mainam para sa 4-6 katao - good for 4-6 persons ang kinain namin sa Kenny Rogers.

No comments: