Maingat na ibinaba ng dalaga ang hawak na tasa ng kape sa lamesita. Alam niyang masyado pang mainit para inumin ang kanyang pampagising sa umaga. Upang hintaying lumamig ito ng kaunti, dumungaw siya sa bintana at pinagmasdan ang mga namumulaklak na halaman.
Mahaba-habang panahon na ring nag-aalaga ang kanyang ina ng sari-saring halaman. Ilang buwan na linggu-linggo yata ay may bagong halaman na nadadagdag sa hardin - minsan binibili, minsan binibigay ng kapitbahay o di kaya naman ng kamag-anak. Ang paborito ng dalaga ay yung mga bulaklak na kulay rosas na nakalagay sa mga pasong may iba't iba pang disenyo.
Matagal pa sana siyang magmu-muni-muni tungkol sa mga bagay-bagay habang tinititignan ang mga nakahilerang bulaklak nang maalala niya ang kanyang pinapalamig na inumin. Dahan-dahan niyang dinampot ang tasa at inamoy ang bangong hatid ng kape. Sa paghawak dito ay kanyang naisip na ang init ng kape ay hindi na makapapaso sa dila. Dadampi na sana ang kanyang mga labi sa tasa nang marinig niya ang kahol ng mga tuta sa labas ng bahay. Muli niyang inilapag ang hawak na kape at siya'y tumayo at pumunta sa may pintuan.
Sinilip niya ang mga alagang tuta. Tahimik na silang nakaupo. Tumingin siya sa labas ng bakod at tinignan kung may tao. Walang laman ang kalye maliban sa nakaparadang sasakyan ng kapitbahay.
Pumasok siya ulit sa bahay at imbes na dumiretso sa may lamesita, tila nalimutan niya ang tungkol sa kape at naupo siya sa silya ng piano. Kinuha niya ang abot-kamay na basahan at pinunasan ang mga tiklado. Matapos magpunas ay nagsimulang tumugtog ng piyesa ang dalaga. Mabagal at madamdamin ang tinutugtog niyang awitin. Tuwing siya'y magkakamali ay ititigil niya ang pagtugtog at magsisimulang muli.
Ilang beses siyang nagkamali. Ilang beses niya itong sinimulan muli. Dumating ang punto na nainis na siya sa kanyang sarili dahil sa maling pindot ng tiklado. Itinigil niya ang pagtugtog. Malayo ang kanyang tingin at tila nananaginip ng gising, nakikita ang kanyang sarili na umaawit habang tumutugtog sa isang grand piano, alay ang awitin sa isang lalaking nakaupong pinagmamasdan siya na may ngiti sa mga labi...
Nagising siya mula sa kanyang panaginip nang marining ang malakas na pagsara ng pinto. Tumingin siya sa bintana at nakita ang kanyang ina na para bang kausap ang mga halaman. Tumayo ang dalaga at pinuntahan muli ang lamesita kung nasaan ang tasa ng kape. Laking gulat niya nang pagtingin sa tasa, wala na itong laman.
"Mami! Bakit naubos yung kape ko?" sigaw ng dalaga.
"Malamig na eh. Ininum ko na tuloy," tugon ng ina.
Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang bumuntong-hininga. Pumunta siya ulit sa may piano dala-dala ang tasa, pumindot ng isang tiklado, at pagkatapos ay naglakad tungo sa kusina upang magtimpla ng bagong kape.
~~~
Omelette au fromage.
O_o

No comments:
Post a Comment