Tuesday, May 15, 2007

F.R.I.E.N.D.S

Three days akong nag-Friends marathon... At hindi ko pa rin tapos. Actually di ko na nga alam kung anong season na ako, basta alam ko halfway na ako sa disc 4 dun sa dvds na hiniram ko kay Norman. Kaya lang wala yung disc 5 sa akin, so malamang ibalik ko na yun sa kanya pag natapos ko yung disc 4.

Nakatatawa lang kasi, hindi ako pinagalitan kahit wala akong ginawa kundi manood. Eh yung kapatid ko, parang 2 hours pa lang nakaharap sa pc, pinapagalitan na ni mami. Eh ako... haha! Walang ginawa kundi Friends marathon. Siguro kasi nakikinood din si mami kaya di siya nagagalit. :p Natatawa nga rin siya eh.

Ang haba rin ng bakasyon ko ah. This week, busy na. Hello ARM7 thesis! It's nice to see you again. :D

No comments: