Ilang beses na rin akong nakapagdrive sa EDSA for the past two weeks... Twice yata or thrice. Dati takot ako magdrive dun dahil sa sabi-sabi ng mga tao na nightmare daw magdrive along EDSA. Uhm... di naman pala masyado. Nakatatakot nga lang yung mga bus. Lalo na one time, nakaiinis kasi may bus at taxi na nagsabitan sa may bandang unahan. Dun pa naman yun sa part na may pink fences kaya no room for passage dahil nakahambalang yung pagkalaki-laking bus. So anong nangyari? Ilang minuto rin akong naghintay dun. Tapos ang ingay pa nung ibang mga driver. Para namang may maitutulong yung pagbusina nila ng sunud-sunod. Eh kung hindi talaga gumalaw yung bus, kahit gaano pa kalakas yung busina nila, wala ring mangyayari.
Yun lang. Ok lang naman pala magdrive dun. O baka naman kasi hindi yun rush hour? Hehe oh well, buti na lang di ko talaga dinadaanan yun papunta sa school. Tama na sa akin yung Katipunan traffic. :D
Yun lang. Ok lang naman pala magdrive dun. O baka naman kasi hindi yun rush hour? Hehe oh well, buti na lang di ko talaga dinadaanan yun papunta sa school. Tama na sa akin yung Katipunan traffic. :D
No comments:
Post a Comment