Schedule!
Hirap magkaroon ng panahon para sa social life. Ayoko nitong bagong schedule namin sa trabaho. Alas-nuebe papasok, tapos alas-sais lalabas. Hijo de perro! Pero sabi nga nila, ganyan talaga pag bayaran ka lang. Karamihan sa amin ayaw yung oras na ito, karamihan sa amin ayaw ang paghahandle nung nasa taas, pero anong magagawa ko? Namin? Magwelga? Sus! Di pwede rito 'yun. Bad trip nga eh, walang bottom up evaluation. tsk. Napagbintangan pa akong nagsasakit-sakitan! Coño! Buti na lang enjoy kasama itong mga nakasama ko sa Spain. Kahit papano nadadaan namin sa tawa ang mga bagay-bagay.
Housemates!
Dahil sa schedule na yan, di ko na halos nakakausap mga housemates ko. Sus! May utang pa nga akong libre sa kanila eh. Siguro pag gelpren na ni Michael si Ruth may dahilan na sa big celebration. Hehe. (Oy, Rex! Anong nangyari sa manok natin?) Medyo madalas pa naman walang tao sa bahay ngayon dahil konti lang load ni Rex. And may USB TV na si Rex, so at least, nakakasuporta parin sa kapamilya network. Hehe.
No tengo dinero!
Waaaah!!! Wala akong pera! Sa lahat ng nagtatrabaho, ako lang ang walang pera! Haha! Imagine, ang career high ng bank account ko ay P5x,xxx?! Joder! On the brighter side, pag tiningnan ko yung mga ginastos ko, sa mga mahal sa buhay ko naman napunta yung pera. (Except siguro dun sa 29 kids na nagmano sa akin na hindi ko pa nakita ever, at binigyan randomly ng 20 or 40 bucks!) Tapos mukhang masaya naman nanay ko sa binigay kong pera nung holiday season. (Yun nga lang, wala ako pera ngayon pambili ng EEE PC! huhu!)
Gadgets!
Dami ko gustong bilhing techie stuff ngayon.. Huhu. Pero no tengo dinero! Kaya eto, umaasa na lang sa mga cheap buys, o kaya hihingi ng tulong. Hopefully, matuloy ang pagbili ko ng eee pc! (Thanks to Marco! yeah!) Uwi kasi siya from taiwan this february 6 kaya sana "nakadilhensiya" na ako ng pera nun. Hehe.
Big Tummy!
Tingin ko ay lumalaki na ang tiyan ko to a point na dapat na siyang pigilan. Malaking tiyan ang kadalasang problema ng mga guys. (Either sa gf nila or sa kanila! Hahaha!) Patkbo-takbo lang muna ako tapos sinasabayan ako ni elma. Eh since ayoko siyang pumayat, nagba-bike siya. Haha. Ayun..
One Big Fight!
Speaking of my dear elma... Medyo konting oras na lang kami nagsasama dahil na rin sa panget na schedule ko this year. (Dati pwede pa niya akong hintayin sa IML dahil around 6:30 nandun na ako... Ngayon? Pasakay pa lang ako ng bus nun.) Nagpunta nga pala si elma sa amin nung holiday season, marahil nabasa niyo naman dito sa blog niya. Nakakatawa yung unang hakbang niya sa bahay namin. Haha! Di nagtanggal ng sapatos, so nadumihan ang carpet. Nakita ko itsura nung nanay ko eh, pati ako natakot, kaya pinagpag ko agad. Ni-entertain naman siya nung tita ko. Ang nakakatuwa ay nung pag-uwi ko after ihatid si elma, wala silang binanggit kund ang ganda niya, mukhang bata, kinis ng mukha.. hahaha! (Ayun o! Haba ng buhok ni elma!haha!)
Tapos, since konti lang time namin, madalang na rin kami makalabas to watch a movie. (Sayang Sweeney Todd!) Kaya we decided na manood ng mga old films pag may chance, at least 2 per month. Nanoood kami nung sunday ng Brokeback Mountain! Waaaaah!
And ayun, we had our first big fight for the year.. Hmmm.. Let's just say, it was so big, sort of naglayas pa si elma to MOA just to be away from home and think.. Ayun, pero ok na naman kami. :D
DS Addict!
Adik talaga ako sa mga games ngayon sa DS. Ang daming lumalabas na magagandang laro, di ko tuloy alam lalaruin ko. Noong holiday break, wala akong housemate for almost 2 weeks. Kung wala akong DS wala. Pag-uwi, tulog na ako. Buti na lang meron. Hehe. And and and, nag-eenjoy rin kami ni elma sa isang intellectual game, sort of. Ang pangalan nung game ay More brain Training by Dr. Kawashima. Nakakaaliw laruin kasi nag-iinteract ang magkaibang save files. Paborito ni elma yung word scramble thing, ako naman yung math thing. Haha. Tapos tapos, meron ding hula-hula drawing dun. Ehh hindi ako magaling magdrawing, pero nahuhulaan pa rin ni elma. Eto yung peyborit ko na pinahulaan.
Eto yung una. Nahulaan niya agad. hehe. (yung smudged part ang sagot, yung pangalan sa baba kung sino ang nagdrawing...) Tapos eto yung sumunod na drawing.
Ehhh, di ko alam kung obvious pa rin ito sa inyo.. Hehe. Well, nakuha naman ulit ni elma.. Pero ang pinakamalupit sa lahat ay yung last drawing. Kasi, hindi ko alam kung ano ito. Kumbaga, alam ko yung unang dalawa, perong yung huli, di ko alam. Kung si elma ang inutusan ni Dr. Kawashima magdrawing, di ko mahuhulaan kahit na ni-drawing ni elma yung tama. Kasi nga, wala akong idea kung ano ito. Haha! Eot ginawa ko!
O, di ba? Ayos! hahaha! At least alam ko na ngayon kung ano ang tawag dun. Hehe.
Need for Speed!
Hindi ako isa sa mga batang pinalad na i-enroll sa driving school ng mga magulang nila pagtungtung ng eighteen. Ehhh, aanhin ko nga naman yun wala naman kaming kotse! Pero, highschool pa lang, nakapagmaneho na ako. Noong nagpacheckup ako sa Medical City, na-traffic kami sa may ortigas area ni elma. Naawa ako sa kanya nun, kung confident lang ako sa driving skills ko, nakipagpalit ako ng pwesto. Kaso hindi. Kaya kamakailan lang ay nag-enroll ako sa isang driving school. Nakakapanibago. Ang laki ng deprensiya ng isang sarao sa kotse. Haha! Power steering at sensitive ang brakes! Lagi akong napapagalitan dahil ambilis ko raw. Tapos ampanget ko pa daw pumreno. Sus! Tapos, nung sunday ang unang beses na pinag-drive ko si elma! haha! Malapit na rin akong matapos sa classes ko, mukhang magiging todo-todong buhay prinsesa na si elma ah. haha!
¿Que quiero?
Hmmm.. Sana maayos na ang blog layout ko para di na ako mag-cross post! Sana manalo ako sa Raffle ng Eng'g. Sana matanggap papers ni elma! Iyun na lang muna. Kakapagod.
=============================================
Bawat paalam ay puno ng iyakan... Nakapagtataka... Nakapagtataka...
Housemates!
Dahil sa schedule na yan, di ko na halos nakakausap mga housemates ko. Sus! May utang pa nga akong libre sa kanila eh. Siguro pag gelpren na ni Michael si Ruth may dahilan na sa big celebration. Hehe. (Oy, Rex! Anong nangyari sa manok natin?) Medyo madalas pa naman walang tao sa bahay ngayon dahil konti lang load ni Rex. And may USB TV na si Rex, so at least, nakakasuporta parin sa kapamilya network. Hehe.
No tengo dinero!
Waaaah!!! Wala akong pera! Sa lahat ng nagtatrabaho, ako lang ang walang pera! Haha! Imagine, ang career high ng bank account ko ay P5x,xxx?! Joder! On the brighter side, pag tiningnan ko yung mga ginastos ko, sa mga mahal sa buhay ko naman napunta yung pera. (Except siguro dun sa 29 kids na nagmano sa akin na hindi ko pa nakita ever, at binigyan randomly ng 20 or 40 bucks!) Tapos mukhang masaya naman nanay ko sa binigay kong pera nung holiday season. (Yun nga lang, wala ako pera ngayon pambili ng EEE PC! huhu!)
Gadgets!
Dami ko gustong bilhing techie stuff ngayon.. Huhu. Pero no tengo dinero! Kaya eto, umaasa na lang sa mga cheap buys, o kaya hihingi ng tulong. Hopefully, matuloy ang pagbili ko ng eee pc! (Thanks to Marco! yeah!) Uwi kasi siya from taiwan this february 6 kaya sana "nakadilhensiya" na ako ng pera nun. Hehe.
Big Tummy!
Tingin ko ay lumalaki na ang tiyan ko to a point na dapat na siyang pigilan. Malaking tiyan ang kadalasang problema ng mga guys. (Either sa gf nila or sa kanila! Hahaha!) Patkbo-takbo lang muna ako tapos sinasabayan ako ni elma. Eh since ayoko siyang pumayat, nagba-bike siya. Haha. Ayun..
One Big Fight!
Speaking of my dear elma... Medyo konting oras na lang kami nagsasama dahil na rin sa panget na schedule ko this year. (Dati pwede pa niya akong hintayin sa IML dahil around 6:30 nandun na ako... Ngayon? Pasakay pa lang ako ng bus nun.) Nagpunta nga pala si elma sa amin nung holiday season, marahil nabasa niyo naman dito sa blog niya. Nakakatawa yung unang hakbang niya sa bahay namin. Haha! Di nagtanggal ng sapatos, so nadumihan ang carpet. Nakita ko itsura nung nanay ko eh, pati ako natakot, kaya pinagpag ko agad. Ni-entertain naman siya nung tita ko. Ang nakakatuwa ay nung pag-uwi ko after ihatid si elma, wala silang binanggit kund ang ganda niya, mukhang bata, kinis ng mukha.. hahaha! (Ayun o! Haba ng buhok ni elma!haha!)
Tapos, since konti lang time namin, madalang na rin kami makalabas to watch a movie. (Sayang Sweeney Todd!) Kaya we decided na manood ng mga old films pag may chance, at least 2 per month. Nanoood kami nung sunday ng Brokeback Mountain! Waaaaah!
And ayun, we had our first big fight for the year.. Hmmm.. Let's just say, it was so big, sort of naglayas pa si elma to MOA just to be away from home and think.. Ayun, pero ok na naman kami. :D
DS Addict!
Adik talaga ako sa mga games ngayon sa DS. Ang daming lumalabas na magagandang laro, di ko tuloy alam lalaruin ko. Noong holiday break, wala akong housemate for almost 2 weeks. Kung wala akong DS wala. Pag-uwi, tulog na ako. Buti na lang meron. Hehe. And and and, nag-eenjoy rin kami ni elma sa isang intellectual game, sort of. Ang pangalan nung game ay More brain Training by Dr. Kawashima. Nakakaaliw laruin kasi nag-iinteract ang magkaibang save files. Paborito ni elma yung word scramble thing, ako naman yung math thing. Haha. Tapos tapos, meron ding hula-hula drawing dun. Ehh hindi ako magaling magdrawing, pero nahuhulaan pa rin ni elma. Eto yung peyborit ko na pinahulaan.
Need for Speed!
Hindi ako isa sa mga batang pinalad na i-enroll sa driving school ng mga magulang nila pagtungtung ng eighteen. Ehhh, aanhin ko nga naman yun wala naman kaming kotse! Pero, highschool pa lang, nakapagmaneho na ako. Noong nagpacheckup ako sa Medical City, na-traffic kami sa may ortigas area ni elma. Naawa ako sa kanya nun, kung confident lang ako sa driving skills ko, nakipagpalit ako ng pwesto. Kaso hindi. Kaya kamakailan lang ay nag-enroll ako sa isang driving school. Nakakapanibago. Ang laki ng deprensiya ng isang sarao sa kotse. Haha! Power steering at sensitive ang brakes! Lagi akong napapagalitan dahil ambilis ko raw. Tapos ampanget ko pa daw pumreno. Sus! Tapos, nung sunday ang unang beses na pinag-drive ko si elma! haha! Malapit na rin akong matapos sa classes ko, mukhang magiging todo-todong buhay prinsesa na si elma ah. haha!
¿Que quiero?
Hmmm.. Sana maayos na ang blog layout ko para di na ako mag-cross post! Sana manalo ako sa Raffle ng Eng'g. Sana matanggap papers ni elma! Iyun na lang muna. Kakapagod.
=============================================
Bawat paalam ay puno ng iyakan... Nakapagtataka... Nakapagtataka...
No comments:
Post a Comment