Nung naglalakad ako sa Ortigas nung nagregister ako for the IELTS exam, may lumapit sa akin na lalaki, tinanong kung saan ako mag-aapply. Lumingon-lingon muna ako sa paligid, tiningnan ko kung ako nga yung kausap, saka tumingin na rin kung may mga taong nakakakita para kung may masamang budhi yun eh may mahihingan ako ng tulong. May mga tao naman so sinagot ko yung tanong, sabi ko di ako mag-aapply, magreregister lang for an english exam. Tapos tinanong niya kung anong natapos kong course, sabi ko CoE. Saan daw. Sabi ko UP. Saang UP? Sabi ko Diliman. Sa Diliman?! Magagaling yung mga taga-Diliman ah. Yan ang sagot. Tapos lakad lakad, kwento kwento siya (di ako masyadong nakikinig eh). Tapos mayamaya tinanong ang pangalan ko. Sabi ko elma. Sabi niya siya si JP.
Finally nung liliko na ako sa kanto, (buti naman) ang way niya ay sa kabila, so sabi ko, Sige dito nako babay! Ang sabi naman niya, Ay ganun? Pwedeng pahingi na lang ng favor? Pahingi naman ng number mo. Sabi ko Ay wag na lang. Sabi niya, Sige na baka sakaling makita pa kita kung saan. Eh umuulan at gusto ko nang makarating sa tuyo na lugar so sabi ko, Sige. Eto ang number ko. 0917999XXXX. So nagbabay na rin siya.
Pagdating sa British Council office, eh di nagregister na ako. Pagkatapos magregister, tumambay muna ako dun para tingnan yung review materials. Tapos may pcs din dun. Ok naman at may internet connection, at least pwede makipagchat (iniiwan kasi ang cellphones sa guard, at least pwede akong maggmail text). Tapos tinanong ko kay argel kung may nagtext sa kanya na di niya kilala. Sabi niya meron, JP raw ang pangalan. Hahaha Number kasi ni argel yung binigay ko. Hehehe Ang text pa yata ay muztah? Hahaha
Yun lang ang kwento. :D

No comments:
Post a Comment