Nung papunta sa UP kanina, sumakay ako ng tricycle palabas ng village. Mag-isa lang ako sa tricycle kaya naman nung may pumara, sinakay naman ni manong drayber ang mga ito.
Isang babaeng may kasamang bata na sa tingin ko ay may limang taong gulang na. Ang batang babae ay maputi. Ang mahaba at wavy niyang buhok ay nakatali. May suot siyang shades na ginawa niyang parang headband. May belt bag pa siyang kulay pink. Umupo siya dun sa maliit na upuan sa may kanan ng drayber at tiningnan ako. Naisip ko, ang cute nung bata... Mukhang anghel.
Tapos bigla na lang siyang nagsalita nang malakas, "Aray! Yung buhok ko naipit mo! Bastos ka!" naka-kunot-noo pa niyang sinabi sa drayber.
Nagulat ako! Haha mukhang anghel. Mukha lang pala. Eh little bitch pala yun! Nahiya yata yung babaeng kasama niya kasi nag-ssshh siya.
Tapos pagbaba nila, yung bata yung nagbayad. Sabi nung matandang babae kunin niya yung sukli. Sinigawan na naman ng bata ang drayber, "Yung sukli! Yung sukli! Sukli namin!!!"
Haha Natawa na naman ako. Pero aba. Nang makuha niya ang sukli, sabi ng bata, "Salamat!" Sabay bigay ng isang napakatamis na ngiti.
O, ayos! Cute pa rin siya in the end. Hehehe

No comments:
Post a Comment