I told Rose I wouldn't blog about what we call the Rose Booboos. Pero di naman ako nagpromise eh. Hehe Rose Booboos happened in Taiwan nga pala.
Sa Taiwan, madalas kami'y naglalakad. Di naman kasi tulad dito sa Pilipinas na usually kapag PUV pwede pumara kung saan ka talaga bababa. So ayun, kwentuhan habang naglalakad-lakad. Madalas ang mga nauuna sa paglalakad ay ang mga guro, tapos sunod kaming mga mag-aaral (Rose, Wilson, ako). Isang gabi sa isang kalye, hinihintay namin maging pula ang traffic light upang kami ay makatawid. Ok, naging pula na. Tawid na kami. Sa pagkakataong ito, ganun pa rin, nauna ang mga guro, tapos si Wilson, tapos ako... single file lang, kasi makitid ang pavement dahil sa nakaparadang mga scooter. Mabilis maglakad ang mga guro, pagod na siguro at gusto nang makapagpahinga agad sa guesthouse kaya medyo malayo na rin sila sa amin. Malayo-layo na rin kami sa kalyeng pinagtawiran namin. Bibilisan ko na rin sana ang aking lakad nang may marinig akong sumigaw...
Nang makatawid na si Rose, kami'y nagmadaling naglakad para mahabol ang mga guro (at tumatawa pa rin kami). Nakita namin sila na nakaupo sa isang ledge, hinihintay kami. Nang kami'y makalapit, sabi ni Wilson, "Sorry po nahuli kami. ang masasabi ko lang po ay hindi kasalanan ni Rose kung bakit kami natagalan."
Haha pagkatapos naming maikwento ang nangyari, pang-asar na kay Rose ang distinctive "Ate Elma!" na sigaw.

"Ate Elma!"Lumingon ako at nakita si Rose sa malayo, sa kabilang bahagi ng kalye (kung saan kami naghintay na maging pula ang traffic light). Go na pala ulit ang mga sasakyan at for some reason ay hindi nakatawid si Rose. Tinawag ko si Wilson at kami'y bumalik upang hintayin siya. Mukha kasi siyang naiiyak at takot na takot. Syempre, tumatawa kami ni Wilson, at kumuha pa siya ng letrato ni Rose bilang ebidensya ng pagkaiwan. Haha.
Nang makatawid na si Rose, kami'y nagmadaling naglakad para mahabol ang mga guro (at tumatawa pa rin kami). Nakita namin sila na nakaupo sa isang ledge, hinihintay kami. Nang kami'y makalapit, sabi ni Wilson, "Sorry po nahuli kami. ang masasabi ko lang po ay hindi kasalanan ni Rose kung bakit kami natagalan."
Haha pagkatapos naming maikwento ang nangyari, pang-asar na kay Rose ang distinctive "Ate Elma!" na sigaw.
No comments:
Post a Comment