Tuesday, September 23, 2008

24 on 29

Malapit na naman akong tumanda. So wishlist ulit. :D

1. Kapampangan-English dictionary
Matagal-tagal na rin akong naghahanap nito. Nung April pa. Wala akong makita sa bookstores dito sa maynila. Sa Pampanga ba meron nito? Oi dearie eto na lang gift mo sa akin. Haha

2. 2GB miniSD
128MB lang kasi yung miniSD ng N80 ngayon so kokonti lang ang pwede kong ilagay na mp3s. Tapos di pa pwedeng maging cam whore. Mas malaki na kasi ang resolution ng N80 sa N70. Eto isang pic nung UNO night. Sa North Park na to though. (Actually tong miniSD mabibili ko naman. Out of stock nga lang parati sa mga napupuntahan kong CD-R King.)


Onin: Ma'am may I go out?


3. Books!
Bridge to Terabithia, Sophie's World, His Dark Materials Trilogy, Stardust, Sphereland: A Fantasy About Curved Spaces and an Expanding Universe... etc etc etc.

4. Pen mouse or digital pen tablet of some sort
Dami kong balak gawin sa Photoshop. Pero dahil mahirap mag-mouse lang... Ayaw kong gawin. Haha

Yun lang! Konti lang naman. At yung item 1 lang talaga yung kailangan now. Hehe

Some Kapampangan again. Tanong naman ngayon.
1. Kelan ginagamit ang buri at bisa? Buri at bisa means gusto or want, pero di ginagamit interchangeably.
Pwede raw ang Nanung buri mung ulam? pero hindi ang Nanung bisa mung ulam?
At ang sagot ay pwedeng Buri ku menudo. or Bisa kung menudo.
May rule ba for buri and bisa?

2. Kelan ginagamit ang ya?
Manyaman ing pamangan. Masarap ang pagkain.
Masakit ya ing buntuk ku. Masakit ang ulo ko.
Bakit sa second sentence, kailangan may ya?

Haaaa. May rule ba? O kapag kapampangan ka, alam mo lang yun innately? :D

No comments: