Isa sa mga tita ko, si Auntie Susa, na nag-alaga sa akin nung bata pa ako ay dumating dito sa bahay namin kahapon. Siya yung nag-alaga sa akin sa probinsya nung kinder hanggang mga grade 3 ko siguro. Eh kanina, nagkaroon kami ng conversation na ganito:
Auntie Susa: O, asan na si ano... Yung si... Sepillo ba yun? Asan na siya?O, ang dearie ko, mukhang artista raw! :D Gwapo! :D Eto nga pala ang wallpaper ko. Ano? Agree ba kayo na mukha siyang artista? :p
Ako: Ha? Wala na po kami, break na, matagal na.
Auntie Susa: Ha? Bakit naman?
Ako: Ehhh... Iniwan ako eh. Hehehehe
Auntie Susa: Ah talaga? Ay hayaan mo na. Siya naman ang nawalan. Eh ang ganda ganda mo... Saka mabait pa. Wag kang mag-alala makakahanap ka rin...
Ako: Ah opo, meron na po (sabay turo sa wallpaper ng laptop na si Argel). :D Eto po o, si Argel. :D
Auntie Susa: (gulat na gulat) Ha?! (sabay tayo at tiningnan nang mabuti ang wallpaper) Seryoso ka ba?!
Ako: Ha? Opo, seryoso ako... Bakit po?
Auntie Susa: Akala ko artista!
Ako: (ako naman ang gulat na gulat pero natutuwa syempre hehe) Talaga? Hindi yan artista, siya talaga yan! Seryoso kayo dun? Naku matutuwa yun pag nalaman niya. :D
Auntie Susa: Oo, akala ko artista. Akala ko kasi kung sinong idol mong artista yung pinicturan mo tapos nilagay mo diyan eh.
Ako: XD

No comments:
Post a Comment